-- Advertisements --
Nakuha ng pambato ng Cagayan de Oro ang Miss Grand Philippine 2023 crown.
Tinanghal si Nikki de Moura ang korona sa pageant na ginanap sa Mall of Asia, Pasay City nitong gabi ng Hulyo 13.
Nangibabaw si Nikki sa 39 iba pang mga kandidata na lumahok sa pageant.
Tinanghal naman na Miss Grand runner-up si Charie Manalo Sergio ng Caluya, Antique; first runner-up si Sharon Tampon ng Caloocan City at Miss Eco Teen Philippines naman ay nakuha ni Francine Reyes ng Tarlac.
Nabigo naman ang ilang mga beteranong beauty queen gaya nina Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Budol, Miss Environment Philippines 2021 Michelle Arceo, at Miss Elite Philippines 2022 Shanon Tampon.