Ipinag-utos na ni Health Secretary Francisco Duque III ang pamamahagi ng mga suplay at face masks sa mga apektadong residente kasunod ng phreatic erruption ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Ilan dito ay ang pamamahagi ng N-95 masks at N-88 surgical masks para maprotektahan ang mga residente doon mula sa ashfall at sa impact nito sa mata.
Nakapagpamahagi na rin ang Department of Health (DOH) sa hygeine kits, tubig at water containers.
Nag-abiso naman ang DOH sa mga indibidwal na iwasan ang pagsusuot ng contact lenses, iwasan ang paglalabas sa kanilang tahanana at siguruhing ang kanilang mga bintana ay natatakpan gaya ng wet blankets para hindi makapasok ang ashfall mula sa pagsabog ng bulkan.
Ayon pa kay Duque, nakamonitor din ang local frontliners sa sitwasyon sa mga evacuation centers.
Posible din umano na magtungo ng personal ang Pangulong Duterte sa Sorsogon.
Maaalala, kahapon June 5, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nangyari ang pagsabog ng bulkan dakong alas-10:37 ng umaga at tumagal ito ng 16 na minuto. Itinaas ang alerto sa Mount Bulusan sa alert level 1 o low-level unrest.
Ang mga apektadong lugar sa ashfall ay sa Juban at Casiguran.
Sa nakalipas na 24 oras, nasa kabuuang 29 volcanic earthquakes ang namonitor sa Bulusan Volcano.
Bunsod nito, ipiangbabaal ang pagpasok apat na kilometer radius ng Permanent Danger Zone (PDZ) at sa Extended Danger Zone (EDZ).
Bunsod nito, ipiangbabaal ang pagpasok apat na kilometer radius ng Permanent Danger Zone (PDZ) at sa Extended Danger Zone (EDZ).










