-- Advertisements --

Pinakikilos na ng isang lupon sa Senado ang pamahalaan para maghanap na ng bagong flour supplier at gumamit ng ibang sangkap sa paggawa ng harina bukod sa trigo.

Ayon kay Senate Committee on Economic Affairs Chairperson sen. imee marcos, dapat maiwasan ang biglang pagtaas ng presyo ng tinapay, noodles at iba pang produktong may sangkap na harina, dulot ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine na mga pangunahing wheat supplier.

Ang russia at ukraine aniya ang pangunahing wheat supplier pero dahil sa mga kaguluhan at sanction ng iba’t-ibang western counties, maaaring mapatid ang supply nito sa maraming bansa.
tinukoy pa ng mambabatas ang pilipinas din ang isa sa sampung pangunahing bansa na umaangkat ng trigo sa Ukraine, kung saan nahintoang pagtatanim at pagbibyahe nito dahil sa sagupaan.
Ipinunto ng mambabatas na may alternatibong pagkukunan ng trigo ang Pilipinas na mas malapit tulad ng china at mainam ding bigyang-pansin ng gobyerno ang harina na hindi gawa sa trigo o maaaring magmula sa bigas, mais, kamote, patatas, kalabasa at munggo.
Idinadagdag pa ng mambabatas na dahil sa mataas na presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ay maaari ring magdulot ito ng pagtaas ng presyo ng pandesal at iba pang tinapay.