-- Advertisements --
image 403

Ilang araw matapos ang opisyal na pagbubukas ng pamahalaan sa pagtanggap ng aplikasyon para sa board of directors ng Maharlika Investment Corp. ay iniulat ng Department of Finance na maraming mga indibidwal na ang nagsumite ng kanilang aplikasyon para rito.

Ayon kay Finance Asec. Eufrocinio Bernabe Jr., ilan sa mga aplikasyon na ito ay natanggap ng pamahalaan matapos nitong ianunsyo na nangangalangan sila ng mga application para sa board of directors.

Ngunit gayunpaman ay nilinaw ng opisyal na ang naturang mga aplikasyon ay sasailalim pa rin sa mabusising pagsusuri bago magtalaga ng mga magiging kasapi ng board of directors atsaka ito pipili ng Chief Executive Officer at bubuo ng plantilla para sa iba’t ibang mga posisyon sa Maharlika Investment Fund.

Ang Maharlika Investment Corp. ay nangangailangan ng isang presidente at isang chief executive order, dalawang regular directors, at tatlong independent directors.

Samantla, nakatakda namang magwakas ang naturang aplikasyon sa daratig na Sept 27, 2023.