-- Advertisements --
DBM Logo

Sapat ang pondo ng pamahalaan sa ngayon sakaling tamaan ng kalamidad ang bansa sa mga susunod na buwan o sa hinaharap.

Sinabi ni dbm acting secretary tina rose canda na may mga quick response fund ang ibat ibang ahensiya ng pamahalaan na maituturing na first respondents sa panahon ng kalamidad tulad ng dswd, dpwh at ocd.

Pwede aniyang ipalabas agad ng ahensiya ang quick response fund sakaling kailanganin ng pagkakataon nang hindi na kailangang mag request pa sa dbm dahil nakapaloob naman ito sa kani kanilang budget at pwede na agad gamitin.

Kapag nangalahati aniya ang pondong ito ay kailangan lamang nilang mag request sa dbm para ito mapalitan o mapunuan ulit.

Karaniwan naman aniyang sa mga huling bahagi ng taon nangyayari ang malalakas na bagyo kaya sa ngayon ay sapat pa ang calamity fund na magagamit ng bansa.

Sakali man aniyang maubos ang calamity fund, sinabi ni canda na mayroon pa ring tinatawag na contingency fund na inilalabas pag inaprubahan ng presidente ng bansa na nagkakahalaga aniya ng 6.8 bilyong piso, pandagdag o augmentation sa calamity fund.