Inaasahang mawawalan ng P30.57 billion na kita ang pamahalaan dahil sa iligal na kalakalan ng sigarilyo sa merkado ng bansa.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr, patuloy ang nangyayaring pagpupuslit ng mga sigarilyo dito sa bansa, at bagaman may mga nahaharang na kontrabando, marami pa rin ang nakakapasok sa mga merkado sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas.
Inihalimbawa ng opisyal ang datus mula 2018 hanggang 2022 kung saan ang pagpupuslit ng sigarilyo ay nakapagpababa sa kabuuang gross domestic product ng Pilipinas at inabot ito ng 0.39%.
Nakkaalungkot aniya ang impact nito sa pangungulekta nila ng buwis kung saan noong 2022 lamang ay inabot ng P30.57 billion ang nawala sa koleksyon nito.
Ang malaking kitang nawala noong 2022 ay ang pang-apat na magkakasunod na taon nang nawalan ang Pilipinas ng kahalintulad na halaga.
Maalalang sa mga nakalipas na buwan ay sunod-sunod ang naging pagkakasabat ng mga otoridad sa mga ipinupuslit na sigarilyo sa Pilipinas, lalo na sa mga katubigan sakop ng Mindanao.
Ayon sa pinuno ng BIR, isa ito sa mga patunay kung paano lumaki at lumawak ang iligal na kalakalan ng sigarilyo sa Pilipinas, dahil sa pagpupuslit.