Nananawagan ang Malacañang sa publiko na huwag mag-panic buying.
Ginawa ng Malacañang ang pahayag matapos isailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila, Laguna, Bulacan, Cavite at Rizal mula Agosto 4 hanggang 18.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, sapat ang supply ng pagkain sa mga grocery at mga palengke.
“Well, mga kababayan, wala pong dahilan para po tayo ay mag panic buying. Unang una, ito pong pagsara natin muli, ito’y katugunan natin doon sa kahilingan ng ating mga frontliners na kinakailangan lang nila ng break. Ibig-sabihin po wala talaga tayong planong maglockdown.
Ang ating supply po’y napakataas. Ang ating supply po ay nadeliver na po sa ating mga supermarkets anticipating na mas mataas po ang demands so mas marami po talagang stocks ang ating mga supermarkets,” ani Sec. Roque.
Ayon pa kay Sec. Roque, ocalized lockdown lang naman ang ipatutupad sa ilang lugar.
“Wag po kayo mag-alala. Kung natuloy po ang orihinal na plano, localized lockdowns lang po dapat ang nangyayari. Handa po ang mga supermarkets na magbenta para sa mas malaking demand. Hinay hinay lang po. No need to panic,” dagdag ni Sec. Roque.
Inihayag pa ni Sec. Roque na ang MECQ ay tugon ng pamahalaan sa panawagan ng frotnliners na magkaroon muna sila ng break dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nagpositobo sa COVID-19.
“This is primarily to accede to the demand of the frontliners for a break. a time out. Pagsasamantalahan lang po ng gobyerno ang time out para mas mapaigting pa po yung ating testing, tracing and treatment.”
















