-- Advertisements --

Hindi sang-ayon ang Malacañang sa naging pahayag ng opisyal ng PhilHealth sa pagdinig ng Senado na pagsapit ng taong 2022, posibleng mag-collapse ang korporasyon dahil sa pagbaba ng koleksyon nito habang patuloy na tumataas ang benefit payouts sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bilang isa sa mga nagsulong ng Universal Healthcare Law, hindi naman nila ikinonsidera ang premiums ng PhilHealth na tanging rason para manatiling buhay ang health insurance na ito.

Ayon kay Sec. Roque, batid nila na hindi makakamit ang libreng gamot at libreng pagpapagamot kung premiums lamang ang panggagalingan ng gagastusin ng PhilHealth.

Inihayag ni Sec. Roque na sakaling maubos ang pera ng PhilHealth, ang pamahalaan ay maaaring magbibigay ng pondo dito at ito ang dahilan bakit tinawag itong universal health care at hindi medical insurance.