-- Advertisements --

Nilinaw ng Palasyo Malacañang na walang pang naitatalagang bagong head ng Philippine Amusement and Ga,ing Corp. (Pagcor).

Ito ay kasunod ng claims na si former Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia ang na-tap ni President Ferdinand Marcos Jr para pamunuan ang Pagcor.

Pinabulaanan ni Press Secretary Beatrix Rose “Trixie” Cruz-Angeles ang naturang claim sa appoitment ni Atty. Garcia.

Kung maaalala si Garcia ay itinalaga noong Marso ng kasalukuyang taon na nagsilbing Commissioner ng Commission on elections sa ilalim ng Duterte administration.

Bagamat naging maikli lamang ang pagsisilbi nito bilang commissioner sa poll body matapos na i-bypassed ng Commission on Appointments ang kaniyang ad interim appointment noong Hunyo.