-- Advertisements --

Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa pagpanaw ni Lucio “Bong” Tan Jr., anak ng kilalang Filipino-Chinese billionaire at business tycoon na si Lucio Tan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, personal niyang kilala si Bong Tan.

Inilarawan ni Sec. Panelo ang PAL Holdings president bilang mabait at mapagpakumbaba.

Isa rin aniya itong mabuting kapatid at anak.

Nitong umaga nang bawian ng buhay si Lucio Tan Jr., sa edad na 53 dahil umano sa brain aneurysm habang nakaratay sa Cardinal Santos Medical Center, San Juan City.