-- Advertisements --
Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa naulilang pamilya ni dating Commission on Elections (COMELEC) chairman Sixto Brillantes Jr.
Ito ay makaraang bawian ng buhay ang dating COMELEC chairman kaninang pasado alas 11 ng umaga dahil sa COVID-19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, napagsilbihan ng mabuti ni Brillantes ang bansa noong ito pa ay nasa pamahalaan.
Si Brillantes ay namuno sa COMELEC noong January 2011 hanggang February 2015.
Kilala rin sya bilang isang election lawyer.