Binigyang-diin ng Malacañang na hindi nag-iisa ang Pilipinas sa buong mundo na nakapagtala ng spike o pagtaas sa bilang ng COVID-19 cases sa mga nagdaang araw.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi lang ito nangyayari sa bansa dahil batay sa report ng Nikkei, 70 porsyento ng lahat ng bansa sa buong mundo ay nakapagtala ng COVID-19 cases spike.
Ayon kay Sec. Roque, bagama’t wala pang kumpirmasyon, posibleng totoo ang report na nag-mutate na ang virus at naging mas nakakahawa na.
Pero iginiit ni Sec. Roque na ang mahalaga ay nananatiling mababa ang mortality rate o bilang ng mga namamatay na COVID-19 patients sa bansa habang 98.5 percent naman ng mga kaso ay asymptomatic o mild lamang.
Kaya nananatili umanong malayo ang Pilipinas sa threshold ng international community na 5 percent mortality rate.
















