-- Advertisements --

Dumistansya ang Malacañang sa umiinit na usapin sa Kongreso kaugnay sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi nila maaaring panghimasukan ang usapin at ang tanging magagawa sa ngayon ay hintayin ang magiging pasya ng Kongreso.

Ayon kay Sec. Roque, wala sa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapangyarihan na maaaring magre-write ng Konstitusyon.

Nakakalungkot umano pero ang umiiral ngayon ay hindi maaaring makapagnegosyo ang broadcast company na walang Congressional franchise.

Sa kabila nito ay naniniwala si Sec. Roque na magkakaroon ng konsiderasyon ang mga kongresista at mga senador kaugnay sa kapakanan nang mga mawawalan ng trabaho.

“Pero kagaya po ng buong Pilipinas, talagang malungkot po na baka dumating ang punto na marami pong mawawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya,” ani Sec. Roque.