Kinansela ng Philippine Airlines (PAL) ang kanilang flights sa Riyadh at Dammam sa Saudi Arabia mula July 9 hanggang July 13, 2021 dahil sa ipinapatupad na restriksyon ng Saudi government para maiwasan ang pagkalat ng mas nakakahawang COVID-19 varaints.
Sa inilabas na advisory ng PAL, suspendido mula kahapon July 9, July 10 at July 12 ang flights mula Manila-Riyadh.
Kabilang din sa nakanselang flights mula Manila-Damman simula July 11, July 12 at July 13, Riyadh to Manila sa JUly 9, 10, at 12 habang ang flight mula Dammam to Manila ay kanselado mula July 11, 12 at 13.
Umapela naman ang PAL sa Saudi authorities na irekonsidera ang mga ipinapatupad sa flight restrictions at humiling ng suporta sa Philippine government para sa agarang assistance at maresolba ang naturang isyu para matulungan ang mga kababayang OFWs na nais umuwi ng bansa.









