-- Advertisements --
Nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang Pakistani na sinasabing suicide bomber at miyembro ng Dawlah Islamiya terrorist group.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente ang suspek ay kinilalang si Waqar Ahmad, 36.
Inaresto ang suspek ng BI Mindanao Intelligence Task Group (MITG) at Philippine National Police sa Zamboanga City.
Sinabi ni Morente na kailangan nilang ipa-deport ang Pakistani dahil sa pagiging undesirable alien.
Nagtatrabaho rin umano itong walang permit at iniuugnay sa mga terorista.
Pag-alis ng Pilipinas ay iba-blacklist din ang banyaga para hindi na makabalik sa bansa.