-- Advertisements --
viber image 2023 09 30 13 20 56 184

Buhos ang pakikiramay ng mga kaibigan at kakilala ng pamilya Duterte sa pagpanaw ng kapatid ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Jocelyn Duterte-Villarica.

Personal na nagtungo sa bahay ng mga Villarica sa Cavite ang dating presidente, kasama si Sen. Christopher “Bong” Go.

Nakasama naman ng dating pangulo ang kanyang mga pamangkin at nagkaroon ng pribadong oras ng pagluluksa.

Nabatid na kasama ni Ginang Villarica ang kaniyang pamilya nang ito ay bawian ng buhay.

Hindi naman isinapubliko ng mga anak nito ang detalye ng burol at libing ng dating presidential sister.