-- Advertisements --
Nakabalik na sa lungsod ng Cebu si Mayor Michael Rama matapos ang matagumpay na pag turnover sa P50 million na tulong pinansyal ng lungsod para sa mga lugar sa hilagang Luzon na lubhang naapektuhan ng lindol na tumama noong Hulyo 27.
Personal na inabot nito ang tseke sa mga alkalde ng 10 bayan at lungsod at maging sa probinsya ng Abra.
Mainit naman na tinanggap ng mga alkalde si Rama at ikinatuwa ang personal nitong pagbisita.
Samantala inanunsyo ng alkalde na bukas, Agosto 16, gaganapin dito ang pagtitipon ng mga mayors ng bansa kung saan inaasahang magbabahagi ang mga ito ng best practices mula sa kani-kanilang lokal na pamahalaan.