-- Advertisements --

CEBU CITY – Itinalaga ni Cebu City Mayor Mike Rama si dating DENR Secretary Roy Cimatu bilang DENR-like secretary ng alkalde.

Ito ang naging pag-anunsyo ni Rama nitong Martes, Agosto 30, sa isinagawang pagpupulong ng mga department head ng lungsod kasama ang mga kinatawan ng DENR-7.

Kabilang pa sa gawain ni Cimatu ay ang pagtulong at pakikipagnayan sa lungsod sa pagpapanumbalik ng mga daluyan ng tubig, tugunan ang pagbaha, at paghahanap ng mga posibleng mapagkukunan ng maiinom na tubig upang matugunan ang kakulangan nito.

Samantala, pinaplantsa pa ng Pamahalaang Lungsod at mga kinauukulang stakeholders kung paano maipapatupad ang hindi pagsusuot ng face mask sa public open spaces nang may sapat na mga pananggalang upang maiwasan ang pag-akyat ng kaso ng COVID-19.

Ito ang napag-usapan sa multi-sectoral convergence meeting na ipinatawag ni Rama kung saan iprinesenta ang isang draft executive order sa pagtanggal ng panuntunan sa paggamit ng facemask nitong lungsod.