-- Advertisements --

Tinanggal na ng organizer ng Miss Universe Philippines ang height requirements na nais sumali sa nasabing pageant.

Sa kanilang social media account, isinagawa ng Miss Universe Philippines ang nasabing anunsiyo.

Hindi pa rin tinatangal ang ibang mga requirements gaya ng pagiging Filipino citizen at Philippine passport holder.

Kailangan ay may edad 18 hanggang 28 sa panahon ng pageant at wala rin dapat asawa o anak.

Matapos ang nasabing anunsiyo ay maraming mga pageant fans ang natuwa sa nasabing pagbabago.

Maging si Miss Universe Australia Maria Thatti ay sinang-ayunan ang nasabing desisyon ng organizer.

Si Thatti ay mayroong 5’3″ ang tangkad at ito ay umabot sa Top 10 sa katatapos na Miss Universe pageant.