Naniniwala ang grupo ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na ang pagtaas sa bilang ng COVID-19 cases sa Cebu City ay dulot ng inefficient home quarantine para COVID-19 cases at mahinang contact tracing.
Si Sec. Galvez ay kababalik lamang sa Metro Manila mula sa Cebu City kung saan nagsagawa ng assessment sa sitwasyon kaugnay sa COVID-19 cases.
Sinabi ni Sec. Galvez, nasa 1,900 COVID-19 patients ang nag-home quarantine pero hindi talaga sila naihiwalay kaya nakahawa ng iba.
Ayon kay Sec. Galvez, mahina rin ang contact tracing na nasa 30 percent lamang dahil sa psychological stigma kung saan ang isang taong may contact sa COVID-19 patients ay hindi nagsasalita dahil malakas ang diskriminasyon.
Maliban dito, ang Cebu City ay isa ring economic hub kung saan malaki ang populasyon kaya nagpahirap sa pagpapatupad ng social distancing.
















