-- Advertisements --
Magiging mandatory na rin ang pagsusuot ng face shields sa mga sarado o closed commercial establishments gaya ng mga malls.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ito ang napagkasunduan ng National Task Force on COVID-19 para mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19.
Unang ipinag-utos ang pagsusuot ng face shileds sa mga workplaces at pampublikong transportrasyon.
“Bukod dito, napagkasunduan din ng National Task Force on COVID-19 na bukod po sa doon sa pagsusuot ng face shield sa pampublikong transportation, sa trabaho, ay dapat sinusuot na rin ang face shields sa mga nakasaradong commercial establishments gaya ng mga malls,” ani Sec. Roque sa kanyang anunsyo ngayong tanghali.