
Nangako si House Speaker Martin Romuladez na magpapanukala ito ng solusyon na makakatulong para maresolba ang problema ng bansa sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo sa consultative meeting kasama ang malalaking oil players ngayong araw.
Ayon sa House Speaker, maaaring makipag-kompromiso ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagbusisi sa excise tax o value added tax sa oil at petroleum products.
Ilan sa mga hakbang na plano nitong ilatag ay ang posibilidad ng pagsuspendi sa pangongolekta ng excise tax at pagkumbinsi sa manufacturers na ihinto ang pagpapataw ng mas mataas na presyo sa basic food commodities na resulta ng pagsipa ng presyo ng langis.
Ayon kay Speaker Romualdez, ang mga inaasahang panauhin na dadalo sa pagpupulong ngayong araw ay ang mga lider mula sa house Committee on Energy at mga opisyal ng Department of Energy.
Gayundin naimbitahan ang mga opisyal mula sa pribadong mga kompaniya para dumalo sa pagpupulong na gaganapin sa Batansang Pambansa Complex sa Quezon city.









