Patunay ng kasarinlan ng hudikatura sa PH ang pagpayag ng korte na makapagpiyansa si dating Senator Leila de Lima matapos ang halos 7 taon.
Ito ang inihayag ni Senator Imee Marcos kung saan ipinunto pa ng Senadora na ang independensiya ng hudikatura ay present at totoo.
Aniya ang korte ay isang court of law at justice, nang hindi inaalintana ang mga sangkot na personalidad o anumang political noise at ang pagpiyansa aniya ni De Lima ang patunay dito.
Kaugnay nito, sinabi ni Senator Imee na ang bail grant kay De Lima ay nagpapakita na hindi na kailangang mangialam ng International Criminal Court (ICC) sa mga kaso may kaugnayan sa drug war o sa justice system ng bansa.
Noong Lunes, una na ring sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na buhay ang demokrasiya sa bansa at pagiging independent ng mga korte sa bansa kasunod pagpayag kay De Lima na makapagpiyansa para sa pansamantalang kalayaan.