-- Advertisements --
MIGZ ZUBIRI SENATE

Inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na posibleng pagkatapos pa ng Semana Santa maipasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa ang Maharlika Investment Fund bill.

Paliwanag niya, sa ngayon kasi ay tinatalakay pa aniya nila ito sa bicameral conference committee sa Senado.

Pagsapit pa kasi aniya ng Marso 24, 2023 bago ang kanilang break sa Senado inaasahang maipapasa ito sa committee level.

Sa Lunes, Enero 23, 2023, nakatakdang magpatuloy ang sesyon sa parehong kapulungan ng Kongreso, na muli namang ipagpapaliban pagsapit ng Marso 24, 2023 o bago ang Semana Santa.

Magre-resume ito sa Mayo 8, 2023 hanggang sa Hunyo 2, 2023.