-- Advertisements --
Maayos ang pagpapatupad at maganda ang feedback ng Alert Level System sa Metro Maila, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.
Ayon kay Año, mayroonbg mga “issues” sa implementasyon ng Alert Level System pero kaagad namang naayos ang mga ito.
Magugunita na Setyembre 16 nang simulang inilagay sa ilalim ng Alert Level 4 ang National Capital Region.
Base sa guidelines ng pamahalaan para rito, ang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 4 ay iyong mga mayroong mataas o pataas na COVID-19 case counts habang ang total beds at ICU beds sa mga lugar na ito ay nasa mataas din.