CEBU CITY – Nilinaw ni Police Regional Office-7 Director PBGen Roderick Augustus Alba na hindi lang para mapigilan ang pagpasok ng iligal na droga ang dahilan ng paglikha sa One Cebu Inter-agency Intradiction task force kundi maging ang smuggling, iba pang lawlessness at upang maiwasan din ang anumang banta ng terorismo sa isla ng Cebu.
Ito ang inihayag ni Alba sa ginanap na pagpupulong kahapon, Nobyembre 14, kasama si Cebu Governor Gwendolyn Garcia, mga opisyal ng tri-cities at paliparan at iba pang ahensya ng gobyerno.
Tututukan umano ng task force ang seguridad ng mga borders partikular na ang mga pantalan.
Tinalakay din sa pagpupulong ang pagtaas ng conviction rate para sa mga lumabag sa iligal na droga at kung paano magkaroon ng holistic approach para suportahan ang programa ng gobernador laban sa ilegal na droga.
Nakatakdang magkakaroon ng Memorandum of Agreement ng nasabing task force sa katapusan ng nitong buwan at sakaling mapagkasunduan ay magiging drug czar nito si Garcia na siyang mag-oversea sa task group.
Mayroon pang sub-task group kasama ang seaport at airport.
Umaasa naman ang opisyal ng PNP na maging matagumpay ito at maging role model din sa ibang lugar ang Cebu pagdating sa paglaban sa iligal na drogang makapasok sa lalawigan o probinsiya.