-- Advertisements --

Tiniyak ng China ang mas mabilis na pagpapalabas nito ng pondong susuporta sa “Build, Build, Build” program ng Duterte administration.

Ginawa ni bagong Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang garantiya sa kanilang paghaharap ni Finance Sec. Carlos Dominguez.

Sa pagkikita ng dalawa ay napagkasunduan nina Huang at Sec. Dominguez na magkaroon ng regular na pagpupulong na may kinalaman sa mga infrastructure projects ng Pilipinas sa ilalim ng Duterte administration.

Noong Disyembre 24 naman ng makaharap ng bagong Chinese envoy si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang matapos palitan nito si dating Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua.