Pinuri ni Senator Risa Hontiveros na nagsulong ng Expanded Solo Parents Welfare Act ang pagkakapasa nito bilang isang ganap na batas bilang tagumpay ng milyong mga solo parents sa Pilipinas.
Kabilang sa bagong batas ang probisyon na naggagawad ng karagdagang mga benepisyo para sa mga solo parents kung saan mabibigyan ng P1,000 kada buwan na cash subsidy ang mga minimum wage earning solo parents, 10% discount sa ilang mga gamot para sa low-income solo parents na mayroong anak na edad 6 taong gulang pababa, prayoridad sa low-cost housing, Philhealth coverage at educational scholarships.
Dahil sa K-12 program, saklaw ng naturang batas ang pangangailangan ng mga solo parents hanggang sa umabot na sa edad na 22 anyos ang kanilang anak.
Naisabatas ang Expanded Solo Parents Welfare Act noong June 4, 2022 ng walang lagda ni Pangulong rodrigo Duterte.
Sa ilalim kasi ng Philippine Constitution, ang isang panukala na ipinasa ng House of Representatives at ng Senate ay magiging batas kung hindi ito lalagdaan ng Pangulo sa loob ng 30 araw matapso matanggap.










