
Iginiit ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hindi dapat maging balakid ang pagkakaiba sa pagitan ng Pilipinas at China pagdating sa pamamahala sa maritime disputes sa pinag-aagawang karagatan.
Dagdag pa ng DFA chief na layunin ng gobyerno ng Pilipinas na maging malapit na katuwang ang China sa pagpapalakas pa ng kanilang economic ties.
Ginawa ng opisyal ang pahayag kasabay ng idinaos na pagpupulong ng Chinese delegation na pinangunahan ni Chinese State Councilor at Foreign Minister Qin Gang sa Maynila sa gitna ng tensiyon sa relasyon ng Pilipinas at China.
Ang pagbisita ng Chinese Foreign Minister sa bansa ay ang unang pagkakataon nito mula ng maitalaga bilang top diplomat ng China.
Nakipagkita din ito kay Pangulong Ferdinand Marcos jr ngayong araw sa Malacanang.
Sa pagsisimula ng pagpupulong, ipinunto ng DFA chief ang napagkasunduan sa pagitan nina Pang. Marcos at Chinese President Xi Jinping sa state visit ng Punong ehekutibo sa China noong Enero para mapamahalaan ang territorial claims at pagpapalakas ng ibang aspeto ng kanilang bilateral relations partikular sa trade at ekonomiya.
Ayon pa kay Manao ang pagkakaiba ng China at pilipinas ay hindi dapat maging sagabal mula sa paghahangad na makahanap ng paraan upang epektibong mapangasiwaan lalo na ang karapatan ng mga Pilipino , partikular ang mga mangingisda na naapektuhan ang kabuhayan at pangkalahatang kapakanan sa mga kaganapan at aksyon sa West Philippine Sea.










