-- Advertisements --

Pinuri ni dating Appropriations panel Chair at Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co ang Philippine National Police (PNP) dahil sa mabilis na aksiyon na nagresulta sa pagkaka-aresto sa tatlong suspeks na nasa likod sa pagkidnap at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que at ang kaniyang driver na si Armani Pabillo.

Ayon kay Rep. Co. ang mabilis at epektibong aksiyon ng PNP ay patunay na seryoso ang Pambansang pulisya sa kanilang mandato na bigyan ng hustisya ang pamilya ng mga biktima sa karumal-dumal na krimen.

Pinapurihan din ng mambabatas ang desididong aksiyon ng pambansang pulisya na malutas ang krimen na magsisilbing babala na rin ito sa mga kriminal na hindi sila makakalusot sa batas.

Kinilala din ni Co ang mga naging hakbang ng PNP Anti-Kidnapping Group na ipinakita ang kanilang dedikasyon at propesyunalismo na lalong magpapalakas sa tiwala ng publiko.

Nagpa-abot din ang Kongresista ng kaniyang taos pusong pakikiramay sa pamilya ng nasawing negosyante at sa driver nito.