-- Advertisements --

Ngayon pa lamang umano nagsi-sink in kay Gazini Ganados ang pagiging successor ni 2018 Miss Universe-Philippines Catriona Magnayon Gray.

Ito’y isang linggo matapos masungkit ang major crown sa Binibining Pilipinas kung saan siya ang kakatawan sa bansa ngayong taon sa Miss Universe.

Ayon sa 23-year-old Fil-Palestinian model, naging abala agad siya matapos ang coronation night at tsaka lamang na-realize na nakamit na nito ang dating pangarap lamang na maging beauty queen.

“Maayong buntag! Earlier today, I woke up with nothing but a grateful heart. Media week has been very fun and busy, and it is only this morning that it finally sunk in that my dream came true exactly a week ago,” ani Ganados.

Una nang inamin ng Cebuana beauty na tubong Dapitan City na pressured siyang maibigay ang back-to-back win ng Pilipinas sa Miss Universe pero tiniyak na ibibigay ang kanyang “best” sa kinakailangang training mula sa magiging unique na pagrampa at pagsalang sa interview portion.