DAGUPAN, CITY – Paghihiganti ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa isang Nigerian national sa barangay Malabago sa bayan Calasiao
Ayon kay PMaj. Ria Tacderan, Information Officer ng Pangasinan Police provincial Office, dati umanong nasangkot sa isang murder case ang biktima na kinilalang si Christopher Clark, 32-anyos at kaunayan nito sa naunang kaso ang dahilan ng mga 3 suspek sa pagpatay sa kanya.
Lumalabas na ginantihan ng mga suspek ngayon ang biktima na nagtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Aniya, sa tulong ng CCTV footage sa pinangyarihan ng insidente positibong kinilala ng kinakasama ng biktima mula sa Bonuan Gueset sa lungsod ng Dagupan ang mga gunmen na napag-alamang kaibigan at kapareho rin nitong Nigerian national.
Kaugnay rito, ang isang suspek ay sumuko na sa PNP at isinalaysay ang kanyang naging patisipasyon sa naturang krimen.
Sa ngayon, pinaghahanap ng mga kapulisan ang dalawa pang mga suspek at ang mga ito ay nakatakdang sampahan ng kasong murder.
Matatandaang Oktubre 15 nang mangyari ang insidente sa kalsada ng Barangay Mancup kung saan papunta umano ang biktima sa isang bar nang biglang lumitaw na lamang bigla ang mga suspek at pinagbabaril ng mga salarin ang biktima lulang ng isang kotse.
Natagpuan din umano sa crime scene ang pitong basyo ng calibre 45, at isang bala ng 9mm na baril.