-- Advertisements --

Maaring sa buwan ng Marso ng susunod na taon matutuloy na ang paghaharap ng heavyweight boxing champion na sina Anthony Joshua at Deontay Wilder.

Sinabi ni Eddie Hearn ang promoter ng dating two-time heavyweight champion na si Joshua na tatapusin muna nila ang magkakaibang laban ng dalawang boksingero sa Disyembre.

Sa darating kasi na Disyembre 23 sa Saudi Arabia ay makakaharap ni Joshua ang top contender nasi Otto Wallin habang si Wilder ay makakaharap si Joseph Parker para sa battle of former world champion.

Matagal ng inaayos ni Hearn ang paghaharap ng dalawa subalit hindi matuloy-tuloy dahil sa problema sa pondo.

Huling lumaban si Wilder ay noong Oktubre 2022 ng talunin nito si Robert Helenius sa unang round ng kanilang laban na ginanap sa New York.

Habang si Joshua ay nagwagi sa pamamagitan ng unanimous decision noong Abril laban kay Jermaine Franklin at noong Agosto ay pinatumba naman niya si Helenius.