-- Advertisements --
image 115

Walang nakikitang mali si Senador Ronald Bato dela Rosa sa naging paggastos ni Vice President Sara Duterte ng kanyang confidential at intelligence fund noong Mayor pa siya ng Davao City.

Inihayag ni Dela Rosa na naging maayos naman ang paggamit ni Duterte sa CIF kaya’t maganda ang peace and order sa Davao City.

Sa mga hindi naman kumbinsido sa paggastos ng Bise Presidente, sinabi ni dela Rosa na maaari nilang sampahan ng kaso ang opisyal kung may ebidensiya na nagbulsa siya ng CIF.

Kung may nakita syang mali aniya ay sya mismo ang magsasabi kay VP Sara.

Maganda anya ang hangarin ng Vice President na maiwasan ang kabataan na ma-recruit sa armado o sa CPP-NPA.

Giit pa nito, normal din sa Bise Presidente na mag-react sa mga kumukuwestiyon sa paggamit ng CIF dahil mistulang inaakusahan na siya ng iregularidad.

Sinuportahan din ng senador ang naunang pahayag ni Duterte na ang mga tutol sa kanyang hirit na CIF ay kalaban ng kapayapaan dahil alam naman aniya ng lahat kung saan lamang target ni VP Sara gamitin ang pondo.