-- Advertisements --
gasolina

Hinikayat ni Energy Secretary Raphael Lotilla ang mga may-ari ng sasakyan na maari silang gumamit ng mga gasolina na may halong 20 percent na ethanol.

Ang nasabing hakbang aniya ay bilang kasagutan sa lingguhang pagtaas ng presyo ng langis bansa.

Base sa kanilang pag-aaral ay wala namang negatibong epekto ang paggamit ng nasabing mga gasolina na may halo dahil sa ito ay ligtas din.

Bukod sa nasabing kaparaanan ay isinusulong pa rin ng Department of Energy ang paggamit ng mga electric vehicles para na rin sa pangagalaga ng kalikasan.