Nilinaw ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na hindi naman tuluyang ibinasura na ng pamahalaan ang patakaran hinggil sa pagsusuot ng face shield.
Sinabi ito ni Año sa harap ng banta ng COVID-19 Omicron variant, na ikinukonsidera na sa ngayon ng World Health Organization (WHO) bilang variant of concern.
Ayon sa kalihim, nananatiling integral facet sa alert level system ang pagsusuot ng face shield ng mamamayan.
Bagama’t voluntary ang pagsuot ng face shield sa ilalim ng Alert Level 1, 2 at 3, pagdating naman sa Alert level 4 ay mayroong discrection ang local government units kung kanila ba itong ipapatupad, at sa Alert Level 5 naman ay talagang mandatory ang paggamit nito.
Ang paggamit aniya ng face shield ay maihahalintulad sa paggamit naman ng payong tuwing mayroong malakas na buhos ng ulan upang pero maaring itago pagkatapos kapag bubuti na ang sitwasyon.
Sa ngayon, kahit nagkaroon na ng adjustment sa paggamit ng face shield sa ilang lugar sa bansa, sinabi ni Año na dapat gawin pa ring mandatory ang pagsusuot nito sakali mang makapasok sa Pilipinas ang Omicron variant.
Iginiit din niya na posibleng magkaroon ng pagbabago sa mga health policies kapag pormal nang maideklara na mayroon nang naturang variant sa Pilipinas.