-- Advertisements --

Ikinatuwa ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) at ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA 7) ang naging deklarasyon ni Governor Gwendolyn Garcia na all-out war laban sa ilegal na droga sa probinsiya.

Una nang naglabas ng pahayag si Garcia kaugnay nito sa harap ng mga alkalde at ilang opisyal mula sa mga ahensiya ng national government noong Huwebes, Setyembre 15.

“I would wish to make a statement now here in the presence of all of all our chief executives and other officials; in the presence of officials from national government agencies that, here right now, Cebu declares a total, all-out war against drugs,” ani Garcia.

Sinabi pa ng gobernadora na kung hindi itutuloy ang all-out war laban sa droga ay wala rin umanong peace and order.

Dagdag pa nito na karamihan sa mga nangyayaring krimen ay nag-ugat sa paggamit ng iligal na droga.

Dahil sa naging pahayag ni Garcia, palalakasin pa umano ng CPPO ang kanilang anti-illegal drugs campaign sa lalawigan sa pangunguna ng PDEA 7.

Samantala, lumalabas sa datos ng CPPO na P119.8 milyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska mula Enero 2022 hanggang Agosto 2022 sa mga operasyon ng pulisya.