-- Advertisements --
image 80

Mayroon daw posibilidad na magdeklara ang pamahalaan ng outbreak ng hand, foot, and mouth disease (HFMD) sa ating bansa.

Ayon kay infectious disease expert Dr. Rontgene Solante, ito ay kung tataas din ang kaso ng naturang sakit sa mas marami pang rehiyon sa bansa.

Sinabi ni Solante ang hand, foot, and mouth disease ay nagsimula lamang noong buwan ng Oktubre sa San Pascual, Batangas.

Kung maalala, nasa 105 na kaso ng hand, foot, and mouth disease ang na-detect dito na karamihan ay mga batang mayroong edad na 16.

Noong nakaraang buwan naman ay nasa 540 hand, foot, and mouth disease cases ang na-detect sa Albay at apektado ang mga batang may edad isa hanggang 10 taong gulang.

Sa kaparehong buwan o noong Nobyembre, 145 cases din ang naitala sa Ilocos Region at naapektuhan dito ang mga batang may edad na apat hanggang sa siyam na taong gulang.

Mula naman noong buwan ng Oktubre hanggang Disyembre 6, naitala sa National Capital Region (NCR) ang 155 hand, foot, and mouth disease cases at apektado ang mga batang mayroong edad na 11 taong gulang pababa.

Kaya naman sinabi ni Solante na medyo kalat na ang hand, foot, and mouth disease at puwedeng magdeklara ano mang oras ng outbreak lalo na’t marami na ring rehiyon ang apektado.

Una rito, sinabi ng Department of Health (DOH) na ang mga kaso ng hand, foot, and mouth disease ay tumataas na sa Metro Manila pero wala pa namang deklarasyon ng outbreak.

Sinegundahan din ito ni Solante at sinabing ang 155 hand, foot, and mouth disease cases sa NCR ay hindipa rason sa pagdedeklara ng outbreak.

Puwede lamang daw magdeklara kung ang kaso ay kumalat na sa kalapit na rehiyon sa mahigit 100 percent kumpara sa hand, foot, and mouth disease data noong nakaraang taon.

Ang mahalaga naman daw dito ay hindi pa napupuno ang mga ospital ng hand, foot, and mouth disease cases

Isa rin daw ito sa mga basehan kung kailan magdede-declare ng outbreak.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang hand, foot, and mouth disease ay common infectious disease na karaniwang nakakaapekto sa mga bata.

Kabilang sa mga sintomas ng hand, foot, and mouth disease ay fever, painful sores sa bibig maging ang rash na may blisters Sa kamay, paa at buttocks.