-- Advertisements --

Kumpirmado na ang pagdalo ni Vice President elect Sara Duterte-Carpio sa gaganaping mass oath-taking ng mga nanalong kandidato noong nakaraang halalan sa ilalim ng One Cebu Party.

Ito ang kinumpirma ng chairman ng partido na si Cebu Governor Gwendolyn Garcia.

Ayon kay Garcia, imbitado ang lahat ng mga nanalong kaalyadong partido nito kasama na ang mga congressman, partylist representative, Provincial Board Member, Mayor, Vice mayor at mga konsehal.

Hinihintay naman nila ang tugon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos pinadalhan din ito ng imbitasyon.

Gaganapin ang nasabing event ngayong Hunyo 28, alas 3 ng hapon sa Marco Polo hotel kung saan unang inilunsad ang One Cebu party noong 2007.

Samantala, pinasalamatan at pinuri naman ng gobernadora si outgoing President Rodrigo Duterte sa pagiging mapagkumbaba nito at sa serbisyong nagawa sa bansa sa loob ng anim na taon.