-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr,. na naging produktibo ang pagdalo nito sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.

Sa kanyang arrival statement pagdating sa Villamor Airbase, ibinida ni Pangulong Marcos ang progreso ng bansa sa kanyang partisipasyon sa World Economic Forum na aniya ay siyang tunay na global multi-stakeholder platform.

Sinabi ni Pangulong Marcos na sa pamamagitan ng dinaluhang forum ay nakapag-secure ang pamahalaan ng trade at investment opportunities at mahalagang partnerships na susuporta sa mga programang magpapaunlad sa bansa.

Sa pamamagitan ng engagement ng punong ehekutibo sa World Economic Forum, maraming leader at eksperto sa gobyerno, negosyo, civic organization at academe na dumalo ang tumanggap ng magandang balita na ang Pilipinas ang nanguna sa economic recovery at performance, hindi lamang sa Asia-Pacific kundi sa buong mundo.