Patuloy umanong ina-asses ng Department of Tourism (DoT) ang mga tourist destination na puwede nang buksan sa gitna ng banta ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19)
Ayon kay DoT Usec. Benito Bengzon Jr., sa ngayon ay tinitingnan na nila ang kahandaan ng mga tourist destination para sa muling pagbubukas ng mga ito.
Sinabi ni Bengzon na ipinupursige ngayon ng DoT ang gradual resumption ng tourism enterprises sa buong bansa.
Una nang sinabi ni DoT Sec. Bernadette Romulo-Puyat na nais nilang magiging “slow but sure” ang pagbubukas ng turismo sa bansa.
Tiniyak din ng DoT na nakahanda na ang mga tourist destination bago magbukas.
Una rito, nagkaroon na ng gradual reopening ang Boracay noong buwan ng Hunyo pero para lamang ito sa mga residente ng Aklan.
Ang Baguio City ay magbubukas na rin sa turismo sa Oktubre 1 pero para lamang sa mga residente ng Region 1.