-- Advertisements --
Plano ng operator ng Light Rail Transit-1 na mabuksan ang unang limang stasyon ng Cavite extension sa last quarter ng 2024.
Sinabi ni Juan Alfonson ang pangulo at CEO ng Light Rail Manila Corp. na kapag nabuksan na ang nasabing linya ay makakatulong ito sa pagbawas ng daloy ng trapiko sa bansa.
Tanging ang problema lamang ng mga gumagawa ng mga riles ay ang right of way.
Inaayos na rin ng gobyerno ang ilang mga problema at patuloy ang pakikipag-ugnayan nila para masulosyunan ang nasabing isyu.