-- Advertisements --
Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim

Naniniwala ang Department of Foreign Affairs na mapapalakas pa ng pagbisita ni Malaysian Prime Minister Dato’ Seri Anwar Ibrahim ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia.

Sinabi ito ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kasunod ng kaniyang pakikipagpulong sa kaniyang Malaysian counterpart na si Foreign Minister Dato Seri Diraja Dr. Zambry Abd Kadir bago ang pagbisita ni Malaysian Prime Minister Anwar sa bansa.

Ayon sa kalihim, parehong inaasahan ng magkabilang panig ang muling pagpupulong ng Joint Commission Meeting para bumuo at mag-explore pa ng mga bagong areas of cooperation, at gayundin ang pagpapalakas pa ng bilateral ties ng dalawang bansa.

Sa gitna ito ng nagpapatuloy na matibay na bilateral trade sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia sa kabila ng nagdaan na COVID-19 pandemic.