Sisikapin umano ng Commission on Elections (COMELEC) na maibigay ang mga honoraria ng mga gurong nagsilbi sa katatapos na BSKE 2023.
Ayon kay COMELEC Spokesperson John Rex Laundiangco, bahagi ito ng paggalang at pasasalamat ng komisyon sa naging sakripisyo ng mga kaguruan sa nakalipas na lokal na halalan.
Ayon sa COMELEC Official, Oktobre-30 pa lamang, o noong mismong araw ng halalan, nasimulan na ang pagbibigay ng honoraria sa mga guro, lalo na sa mga gurong maagang nakapagsumite ng mga election returns at mga ballot boxes.
Habang ang ibang mga guro naman ay nagtungo na mismo sa tanggapan ng COMELEC
Sa ilalim ng batas, binibigyan ng 15 days ang COMELEC na maipamahagi ang honoraria ng mga guro na nagsisilbi sa mga halalan.
Gayonpaman, sinabi ni Laudiangco na nais nilang maipamahagi ang kanilang honoraria ng mas maaga upang masigurong mapapakinabangan ito ng mga guro.