Magpapatuloy umano ang negosasyon ng Pilipinas sa mga American companies para sa posibleng supply ng bakuna laban sa COVID-19 sa kabila ng pagbatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Western developers dahil umano sa panghihingi ng advance payment.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, walang epekto sa ginagawang negosasyon ang naging tinuran ni Pangulong Duterte na “profit, profit, profit” mindset ng mga Western companies.
Ayon kay Sec. Roque, makikipag-negosasyon pa rin ang Pilipinas kahit kanino at nais makatiyak ni Pangulong Duterte na magkakaroon tayo ng bakuna kahit sino pa ang maunang maka-develop.
Mananatili rin daw ang membership ng bansa sa Gavi COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) Facility na layuning magkaroon ng “fair and equitable access” sa COVID-19 vaccines.
“Wala naman pong epekto ‘yan. We continue to negotiate with everyone. The President wants to ensure na magkakaroon tayo ng vaccine kahit sino pa unang maka-develop niyan,” ani Sec. Roque.