-- Advertisements --
Kumbinsido ang Malacañang na walang “chilling effect” sa media industry ang pagbasura ng House Legislative Franchise Committee sa aplikasyon ng ABS-CBN na renewal ng prangkisa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang negosyo naman ng nasabing network ay hindi balita kundi entertainment.
Ayon kay Sec. Roque, kahit maraming nanonood sa kanilang newscast, hindi naman ito ang kanilang pinagkakakitaan.
Iginiit din ni Sec. Roque na hindi kalayaan sa pamamahayag ang isyu kundi ang prangkisa na kailangang makuha bago makabalik sa himpapawid.
















