-- Advertisements --
Magpapatuloy pa rin ang gagawing pagbaklas sa mga kubol na iligal na itinayo sa New Bilibid Prison (NBP).
Ito ay ang pagtitiyak ni NBP spokesperson Alberto Taipuro, kasunod ng nangyaring pagsabog sa isang quadrant ng NBP.
Ayo pa kay Taipuro na hindi maantala ang gagawin nilang paglinis sa maximum security compound ng pasilidad.
Magugunitang nitong Biyernes ay binulabog ng pagsabog ang quadrant 4 ng NBP na kagagawan umano ng mga miyembreo ng Abu Sayyaf, Maute group at ilang teroristang grupo na nakapiit sa lugar.