-- Advertisements --

Minamadali na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbabalik-operasyon ng mga provincial buses sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni LTFRB National Capital Region director Atty. Zona Russet Tamayo, posibleng babalik sa biyahe ang mga provincial bus sa susunod na mga linggo.

Ayon kay Tamayo, wala pang ispesipikong petsa pero minamadali na ang pagsasaayos ng mga panuntunan.

Inihayag ni Tamayo na uunahin ang mga biyahe sa probinsyang malapit sa Metro Manila gaya sa Regions III at IV (A and B) saka isusunod ang mga nasa mas malalayong rehiyon.

Nakikipag-ugnayan na umano ang LTFRB sa mga kinauukulang local government units (LGUs) para makabuo ng uniform set ng requirements sa mga pasaherong makabiyahe patawid at papasok sa mga iba’t ibang rehiyon.