-- Advertisements --

Pinag-aaralan na ng Department of Transportation na maibalik ang mga ruta para sa city bises sa Metro Manila gaya noong hindi pa tumama ang pandemiya sa bansa para sa nalalapit na muling pagsisimula ng mga klase sa Agosto 22.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Cheloy Garafil, inirekomenda ng ahensiya na maibalik ang city buses kung saan karamihan dito ang ruta ay papunta sa university belt at ibang mga eskwelahan sa rehiyon.

Saad ng LTFRB official na nasa 30% ng kabuuang ruta bago magkaroon ng pandemiya ang city buses na hindi dumadaan sa EDSA.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Road and Transport Infrastructure Mark Steven Pastor may sapat na public transportation dahil nagdedeploy ang mga operator ng 90% ng kanilang PUV units.

Samantala, pinulong naman ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang iba’t ibang concerned government agencies para matugunan ang mga isyu at problema na kinakaharap ng transport sector at mabigyan ng solusyon para mas abot kaya, komportable at ligtas ang biyahe ng mga mananakay partikukar ang mga mag-aaral bilang paghahanda sa face to face classes sa Agosto.

Liban pa sa plano pagbabalik ng mga ruta ng city buses sa rehiyon, inirekomenda rin ng DOTr Road sector na pag-ibayuhin ang deployment ng public utility vehicle (PUV) units sa pamamagitan ng formulation at pagmamandato ng pagsunod sa Service Plans o ang peak hour deployment sa 90% hanggang 100% ng awtorisadong PUVs.

Gaundin, ang pagbubukas ng karagdagang mga ruta kung kinakailangan.

Fast tracking ng pag-review sa pamasahe at evaluation ng non-operational routes at pag-introduce ng developmental routes.

Pagbibigay ng libreng sakay para sa mga estudyante sa LRT2 at EDSAA busway at pagpapalawig ng life span ng school services na magpapaso na ang 15 taong maximum limit sa Disyembre.

Sa parte naman ng MMDA, magpapakalat ito ng mahigit 2000 tauhan sa pangunahing kalsada at sa mga paaralang may malaking bilang ng mga estudyante sa Metro Manila at magtatalaga din ng mahigit 500 traffic enforcers sa halos 150 paaralan sa NCR para sa pagbubukas ng mga klase.

Apat na bus ng MMDAat 2 military trucks naman ang idedeploy para magbigay ng libreng sakay para matulungan ang mga mananakay kada araw.

Gayundin, magbibigay din ng libreng sakay anv Pasig River Service na pinapatakbo ng MMDA para sa mga commuters mula Lunes hanggang Sabado sa 13 istasyon nito.