
Naniniwala ang isang health expert na ang pangunahing dahilan sa pagbaba sa 19.5 percent ng mga Pinoy na naninigarilyo ay dahil sa adoption at implementation ng tobacco prevention and control health policies and interventions..
Ayon kay Dr. Vito Roque Jr. ng Department of Health (DoH) Epidemiology Bureau, nagre-reflect din umano ang naturang resulta sa pagiging epektibo ng ipinatutupad na key policies sa tobacco taxation, graphic health warnings, protection ng bureaucracy laban sa tobacco industry interference at smoke-free environments.
Kabilang na rin daw dito ang collective efforts at strengthened partnerships sa mga government agencies, non-government organizations at stakeholders.
Una rito, base sa isinagawang survey, ang prevalence ng mga gumagamit ng tobacco products at ang mga naninigarilyo na nasa edad 15 pataas ay bumaba ng 19.5 percent ng kabuuang populasyon o nasa 15.1 million.
Ito ang lumabas na resulta sa isinagawang survey ng 2021 Global Adult Tobacco Survey (GATS).
Base sa 2021 GATS results, isa sa bawat limang Filipino adults o 15.1 million adults ay gumagamit ngayon ng tobacco.
Nasa 34.7 percent ng mga gumagamit ay lalaki habang o walong beses na mas mataas kaysa sa mga gumagamit na mga babae o 4.2 percent.
This means a drop of 2.2 million smokers from the total of 17.3 million in 2002.
Sinabi ni Roque na ito na ang pinakamababang data kumpara noong 2015 na mayroong 23.8 percent.
Mas mababa rin ito sa naitala noong 2009 na 29.7 percent.
Sinabi rin ni Roque na ang exposure sa secondhand smoke sa mga bahay at public places ay nakitaan ng pagbaba.
Pinakamababa rito ang exposure sa secondhand smoke sa public transportation mula 55.3 percent noong 2009 at 37.6 percent noong 2015 ay bumulusok ito sa 12.2 noong 2021.
Ang exposure sa secondhand smoke sa mga bahay ay bumaba rin mula sa 54.4 percent noong 2009 at 34.7 percent noong 2015 ay naging 21.4 percent na lamang noong 2021.
Habang sa mga workplace ay bumaba rin mula 22.6 percent noong 2009 at 21.5 percent noong 2015 ay naging 12.9 percent ito noong nakaraang taon.
Lumalabas din sa survey na ang quit rate o ang mga tumigil na sa paninigarilyo sa nakalipas na 12 buwan ay bumaba sa mula 4.5 percent noong 2009 sa 3.9 percent noong 2021.
Pero ang bilang naman ng mga adult smokers na pinag-iisipan nang tumigil sa paninigarilyo ay tumaas mula 37.4 percent noong 2009 ay nagin 43.7 percent ito noong nakaraang taon.









